Friday, August 27, 2010

Literary Book

Literary Book

Beep.. Beep..Beep!!!..
Ito ang mga maiingay na tunog ng mga jeep sa harap ng bahay nila Faye. Siya ay isang simpleng at mabait na anak, isang salutatorian, isang manunulat at lider ng paaralan sa kanilang pook. Siya ay naglalayong matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay at ito ay ang maging isang guro. Dahil dito, ninais niyang mag-enrol sa sa pampublikong unibersidad ng kanilang probinsya.
Dahil sa pagiging panganay na anak, walang kaalam-alam si Faye sa buhay Kolehiyo. At ang tanging alam lang nya ay ang pangarap sa buhay. Mas ginusto niyang magkommute upang makatipid at ito ang gusto ng kanyang mga magulang.
Dahil sa pagiging avid fan ng mga Korean at Chinese nobela sa telebisyopn. Ninais rin niyang magkaroon rin ng boyfriend na mukhang chinito, may masisingkit na mg mata, medyo mahaba ang buhok at maputi at may appeal na medyo mayabang. Pero ang totoo nito ay wala pa siyang nagiging boyfriend sa tanan ng kanyang buhay.
Dumating nga ang araw ng pasukan, at lahat naman ay naging maayos ang takbo. Unti-unting naka-adjust siya sa buhay ng kolehiyo at nagging popular siya sa loob ng klase pati na rin sa buong colehiyo; dahil na rin sa kanyang kagaling at sa isang semester ay naging Dean’s Lister na rin siya.
Isang araw nang papauwi na siya habang nakasakay siya sa loob ng jeep; isang pangyayari ang di niya inaaasahan. Isang lalaki ang tumabi sa kanya na nagtataglay ng mga katangiang hinahanap niya sa buhay. Siya si Michael, isang estudyante ng accounting sa isang pribadong unibersidad nga kanilang probinsya. Isang Velidictorian, matangkad at malachinito ang mukha. Galing sa prominenteng pamilya sa bayan na tinirhan nila at talagang nagtataglay ng kagwapohan.
At sa pagbaba ni Faye sa jeep na kanyang sinasakyan, isang impormsayon ang kanyang nalaman at ito ay ang pareho sila ng bayang tinitirhan. Gayun na lamang ang saya niya at nagkaroon siya ng dahilan upang bumangon ng maaga at maging pusitibo sa buhay.
Dahil sa pagiging ediotor-in –chief ng shool paper ng kanilang paaralan noong haiskul, naging hilig na ni Faye nag-sulat ng nga iba’t ibang mga sulatin gaya ng mga tula, sanaysay, kotasyon at iba pang mga bagay. Minsan ginagawa rin niya itong diary. Isang araw, dinala ni Faye ang kanyang libro upang kumopya ng isang sanaysay na may topiko ng pagbabago at teimpong nakagawa na siya nito noong haiskul pa lang.
Sa pagdating ng uwian habang nakaupo na siya sa loob ng jeep, di niya ninaasahang makakatabi niya si Michael. At bonus pa dahil isang matamis ba ngiti ang pinakawalan ni Michael sa kanya. Pero noong ilang barangay nalang at bababa na si Faye ay bilabng umulan ng mapakalakas at labis ang kanyang pag-aalala dahil madami ang kanyang bitbit gaya ng mga libro at baka ito’y mabasa. Pero noong pumara na siya ay hindi niya namalayan na nalaglag pala ang kanyang literary book at ito’y nakita at jpinulot ni Michael. Dahil na rin siguro sa lakas ng ulan , ay di narinig ni Faye ang tawag ni Michael kaya pinagpasya nalaman niyang itago ito at mababasakaling ibalik ito kung sila’y magkasabay muli.
Pagdating sa bahay, agad na binuklat ni Michael ang libro at binasa ng laman nito. Pero nakita niya na nahuhulog na pala siya sa mga magagandang gawa ni Faye. Ang mga tula, sanaysay at mga personal na kotasyon ni Faye ang naging dahilan upang magkaroon siya ng paghanga sa babae.
Dahil na rin siguro sa magkasalungat na oras ng pagpasok at pag-uwi, hindi nagtutugma sa pag-uwi at pagapasok ang dalawa. Pero ingat na ingat pa rin si Michael sa libro ni Faye.at dala-dala ni pa rin niya ito araw-araw at nagbabasakaling magkasabay sila muli.
Isang araw, ang pinakahihintay na sandali ni Michael ay dumating nga. Nakita niya si Faye na nasa kabila ng kalsada sa terminal ng jeep. Walang pinalagpas na sandali si Michael at dagling pumunta sa babae. Ibinalik niya ang libro sa kanya, nagpakilala sa babae at hiningi ang phone number niya. Gayon nga sila’y naging magkaibigan. Hangang ipinagtapat ni Michael ang naramdaman niya sa dalaga. Pero di agad niyang sinagot ang lalaki dahil di gusto pa niyang patunaayn ang pag-ibig niya sa kanya at isa pa, matatakot rin siya dahil di pa siya nagkakaroon ng boypren sa tanan ng buhay niya.
Pero di nagtagal ay pinagpasya niyang sagutin niya ito isang hapon sa terminal ng jeep. Sa terminal, dahil dito niyang unang nakita ang Michael. Itinext siya ni Michael na sabay silang umuwi at gusto rin niya sanang ibigay sa kanya ng isang tula na gawa niya. Pero biglang nagtext ang kanyang nanay at ibiniling umuwi siya ng maaga upang dahil mayroong pupuntahan ito. Agad namang sinunod ni Faye ang utos ng ina at sumakay sa jeep na naghihintay sa terminal. Pero noong akmang lalarga na ang jeep na naglulunan si Faye ay ang pagbaba naman ni Michael sa jeep na nagsakyan niya. Umandar na nga ang jeep at sumakay na rin si Michael sa susunod na jeep. Agad namang napuno at lumakad ang jeep na sinasakyan ni Michael.
Sa kabilang dako, masayang tinitignan ni Faye ang tulang ginawa niya na alay sana kay Michael sa loob ng jeep. Nang biglang isang malakas na ingay ang narinig sa kawalan at isang malaking liwanag ang lumamon kay Faye. At sa buong jeep na sinasakyan niya.
Dahil ilang kilometro lang ang layo ng jeep na sinasakyan ni Michael, agad na sumaklolo ang driver na nagmamaneho sa jeep nila pagdaan nila sa lugar ng pangyayari. Pero sa di inaasahan, mapalingon si Michael sa lugar ng pinangyarihan aksidente at isang bagay ang nakita niyang naging pamilyar sa kanyang mata. At ito ay ang libro ni Faye. Agad na tumakbo siya sa walang buhay at duguang katawan ni Faye. Niyakap niya ito ng mahigpit at di niya namamalayang umagos sa kanyang mga mata ang mga luha. At sa pagyakap ni Michael sa kanyang minamahal ay isang malamig na hangin amg dumanpi sa kanyang mukha at kasabay nito ang pabuklat ng hangin sa mga pahina ng literary book ni Faye hanggang ito’y huminto sa huling sinulat niya sa kanya. At ito ay ang tula na alay kay Michael.
Nakita niya ito at binasa ang laman:

Ikaw ang buhay ko
Sana’y pag-ibig mo’y di magbabago;
Mahal pakatatandaanan mo ito
Dahil binibigay ko na ang matanis kong ,Oo.

No comments:

Post a Comment